Nakakatawa na nakakatuwa ang araw ko kahapon August 4, 2011. Nagstart sa isang tawag at invitation for guesting live sa Sapul ng TV5 bilang isang cervical spondylosis patient dito sa Pilipinas. Alam naman nating talagang naging popular ang sakit na ito mula ng ma-diagnose si CGMA o Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo na may ganitong uri ng sakit. Nakita at nabasa lang nga pala ng isang researcher ng Tv5 ang aking blog post sa pagiging patient ng naturang sakit. Ang researcher na kumontak sa akin ay si Chee Ann (facebook account nya).
Marami sa kababayan natin na nakakaranas na ng ganitong sakit, lamang ay hindi nila alam na ito na pala yon dahil marahil wala namang pampa checkup sa doktor para malaman ang diperensya. Kahapon ng 5AM ay sinundo ako ng service ng TV5 sa may R.Papa kung saan malapit ang aking bahay. Hindi ako nakapag hatid sa anak ko sa UST dahil sa guesting. Gusto ko din kasing ma-experience kung ano pa ang feeling.
Sa totoo lang mukha akong tanga na palinga linga kung saan saan habang nabatuhan ng isang tanong mula sa host na si Ms. Chiqui Roa Puno. Nakasama ko nga pala ang mabait na doktor na si Dr. Jose Pujalte ng Philippine Orthopedic Center sa may Banaue kung saan ay nag undergo ako ng therapy.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.