Kakabalita pa lamang sa akin ng isang online friend na ngayong umaga lamang ay namatay si press secretary Cerge Remonde. Sya daw diumano ay natagpuang nakahandusay sa kanyang sinasabing bahay sa Makati kung saan ayon din sa balita ay nakita sya na hindi na humihinga. Dinala ang press secretary sa may Makati Medical Center kung saan din ay sinubukan syan i-revive ng mga doktor ng Makati Medical Center ngunit tila huli na ang lahat dahil idineklara na syang all vital systems failed.
Sa balita ay hindi pa idinetalye kung bakit at kung ano ang ikinamatay ni ginoong Cerge Remonde at sa ngayon ay hinihintay pa ang mga detalye tungkol sa kaganapang ito. Mababasa ninyo ang iba pang mga detalye ng kaganapan dito - http://www.internetphilippines.com/news/press-secretary-cerge-remonde-dies/
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.