Gumawa ng history si Jimson pagkatapos ng gabi ng unang evictee sa PBB Double Up season kagabi ng October 24, 2009. Si Jimson ang naging unang evictee sa loob ng bahay ni kuya at marahil ay alam ko na ang dahilan kung bakit as well as kayo din.
Ang sarili kong pang unawa na kung saan pinagbasehan ko ang mga sinasabi ng aking kapitbahay ay ang pagiging hindi sport ni Jimson sa housemate weekly task na naganap kung saan silang 3 nila Patrick at Kathy ay nabigo. Ayon sa mga kapitbahay ko, si Jimson daw ay sadyang wala sa lugar kung tutuusin dahil na din sa unsportsmanly attitude nya sa nakaraang task.
Natalo sila o hindi nagwagi dahil umamin si Jimson na sya ang tunay na asawa ni Kathy sa huling araw ng kanilang weekly task na magpanggap bilang hindi magkakilaa ni Kathy at na ang isa pang housemate na si Patrick ang tunay kuno na asawa ni Kathy. hindi nya ito nakayanan sa huling araw at sya at si Kat ay napaamin sa harap ng iba pa nilan co-housemates na naging dahilan kung bakit sila ay nawalan ng weekly budget.
Sabing iba, marapat lamang na si Jimson ang maging evictee dahil dito. At dahil na din sa pagiging unsportsman nya dahil alam naman natin kung bakit base na rin sa istorya nilang mag-asawa na kung saan mayroon syang ginawang infidelity kay Kathy noon. Aminado naman ang lalaki ngunit wala na syang magagawa dahil malamang na hindi ito nagustuhan ng mga bumoto para sya ay patalsikin at gawing unang evictee ng PBB Double Up edition this 2009. Babuuuuuu sa iyo Jimson!!!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.