Patok na patok sa mga fans ang Shop & Share Ph website for celebrity auctions nina Anne Curtis at Angel Locsin. Ito ay hindi lamang dahil sa puros mga celebrities ang nag donate ng mga items kundi sadyang mga quality signature bags, shoes, neclace, hats watch and other items ang sa ngayon ay naka auction sa nasabing Shop and Share Ph website.
Marami sa mga taong nakakita ng website ay interesadong bumili or at least ay mag bid sa nasabing website dahil sa bukod sa makakatulong ka na sa mga biktima ng typhoon Ondoy at Pepeng, magkakaroon ka pa ng pagkakataon na mag possess ng mga items mula mismo o ginamit mismo ng mga showbiz celebrities.
I hope na marami pang mag donate sa Shop and Share Ph at ng mas madami pang mga tao ang kanilang matulungan. Alam ko na isa ito sa mga magagandang bagay na ipangkaloob sa mga taong bukal sa puso ang pagtulong gaya nila Angel Locsin at Anne Curtis. Sana ay higit pang tagumpay at pagtulong ang inyong maibigay sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo. Mabuhay Kayo!!!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.