Alam naman nating nawalang ng weekly budget ang mga housemates dahil sa kapalpakan nila Jimson at Kathy ng i-reveal nila ang katotohanan na sila ang tunay na mag asawa at hindi si Patrick at si Kathy. Ito ay naganap ng huling araw na ng task ng tatlo sa loob ng PBB Double Up house ni kuya.
Matapos ang anniversary celebration nila Patrick at Kathy, umamin ang tunay na mag-asawa at sinabing hindi na nila kayang itago ang katotohanan na sila ang mag asawa. Nagalit si Patrick dahil naaawa at nakonsensya sya na mawawalan ng weekly budget ang mga kapwa nya housemates dahil sa kapalpakan ng tunay na mag-asawa.
Ang ginawa ni Patrick ay gumawa sya ng paraan para makausap si Kuya kung ibang way pa ba na maaari nyang gawin mag-isa para lang maibalik ang weekly budget nila. Binigyan ni Kuya ng pagkakataon si Patrick sa isang kundisyon. Iyon ay kailangan nyang tumayo sa isang kariton sa loob ng 12 hours. Kapag nagawa nya ito ay ibibigay ni kuya ang kalahati sa weekly budget ng mga housemates.
Ito ay nagawa ni Patrick at dahil nga dito ay naibalika ng respeto sa kanya ng mga kapwa housemates na sadyang bumilib sa kanyang sakripisyong ginawa. Matapos ang task na iyon ay halos himatayin si Patrick ngunit sa kabila nito ay lubha syang napaiyak sa saya dahil first time nya daw na nakagawa ng bagay na maaari nyang ipagmalaking ginawa nya dahil sa selflessness nya at para sa ibang tao.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.