Nagtagumpay sina Rob at Rica sa kanilang task or sa weekly task ng mga housemates overall. Ito ay sa kabila ng halata naman nating mukhang labag sa loob ni Rob ang magpanggap na syota ng ni Rica, ang transgender na housemate sa PBB Double Up edition this year.
Ang huling ipinagawa ni kuya kay Rob ay ang pagtesting kung talagang gagawin nyang mag propose kay Rica katulong ang mga housemates. Nagtagumpay si Rob at si Rica sa task na papaniwalain ang ibang mga housemates nila na sila na nga. Namangha ang mga ito ng huling araw ng task kinabukasan.
Ipinatawag sila sa confession room ni Kuya at doon daw ay may mahalagang announcement sya. Yun pala sasabihin nya na sa kabila ng pag propose ni Rob kay Rica, ay hindi na daw matutuloy ang kanilang kasal. Yun pala ay tinatapos na ni kuya ang weekly task at nagtagumpay silang dalawa sa ginawang pagpapanggap.
Alam ko merong isang natuwa na nahahalata kong may gusto kay Rob at mayroon ding nalungkot at yun ay walang iba kundi si Rica. Tsaka ko na lang sasabihin ang hinala ko na may gusto kay Rob ang isang slim at magandang cute na PBB Double Up housemate.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.