Kakaiba ang mga nangyari sa PBB house ng PBB Double Up edition last week. Una nasibak ang mga kambal tapos naman pumasok ang mga bagong housemate. Ito yung mga second batch ng housemates na sinasabi. Tapos ilang araw pa ay marami na naman ang nangyari.
Rob and Rica were tasked to pretend to be lovers inside the PBB house. Rica is the transgender while Rob is the Australian. Tonight it is finally over as Kuya declared na tapos na ang pagpapanggap nila Rob at Rica bilang couples. Hindi na din matutuloy ang kasal nila ayon kay Kuya simply because ni reveal nya na ang totoo na hindi couple or lovers sila Rica at rob and that nanalo ang mga housemates sa weekly task at nagkaroon sila ng pagkakataon na magkaroon ng 5k budget para sa isang linggo.
Tuwang tuwa ang mga housemates sa kanilang pagkapanalo. On one side may napansin naman ako sa isang housemate. Mukhang lubos na natuwa si Cathy. Ang tingin ko ay gusto nya si Rob kaya natuwa ng malaman na hindi pala totoo ang drama nila ni Rica. Iba talaga ang PBB Double Up kaya bantayan na lang natin ang hinala kong ito.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.